Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Taguig tracing app gagamitin sa bakuna program

0 59

Palalawakin pa ng pamunua ng Taguig City ang kanilang COVID-19 contact tracing app upang mas makapagbigay ng serbisyo at iba pang benepisyo sa mga residente ng lungsod.

Ang Taguig Registry for Assessment and City Engagements (TRACE) ay inilunsad noong nakaraang taon sa kasagsagan ng pandemya. Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, gagamitin na rin nila ang app na ito para sa vaccination program ng pamahalaan.

Dagdag pa ng alkalde, hindi na mahihirapan pa ang mga residente para magparehistro dahil iisang datos na lang din ang kanilang gagamitin para rito.

Maliban sa bakuna, maaari na ring makakuha ng iba pang health at social service ang mga taga -Taguig gamit ang app sa pamamagitan ng QR code.

Dahil dito, sentralisado na ang lahat ng mga datos ng lungsod mula sa contact tracing hanggang sa iba pang serbisyo.

Libre ang pagpaparehistro para makakuha ng QR code ang mga residente pati na rin ang mga bibisita sa lungsod gamit lamang ang kanilang mobile phone o computer.

Magtungo lang sa trace.taguig.gov.ph at sagutin ang mga hinihinging impormasyon bago mabigyan ng QR code.

Ikinakasa rin ng Taguig LGU na magpakalat ng mga tauhan para magbahay-bahay at magtatalaga rin sila ng kiosk para sa walk-in registration. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.