Una sa Balita

Taguig scholars nagpasalamat sa dagdag allowance

0 10

Labis na ikinatuwa ng mga estudyanteng schola­r ng Taguig ang ipinatupad na karagdagang allowan­ces sa mga Lifeline Assistance for Neighbors In-need (LANI) scholars at sa paglawak ng coverage ng programang Merit Incentive.

Para sa mga estudyanteng nasa ilalim ng scho­larship program na Basic, State Universities and Colleges (SUCs)/Local Colleges and Univer­sities (LCUs) at Basic Plus, may ipinatupad na karagdagang P5,000 per school year ang mga scholar.

Sa mga dating nakakatanggap ng P10,000 sa ilalim ng Basic SUCs/LCUs ay magiging P15,000 na ito samantalang ang da­ting P15,000 sa ilalim ng Basic Plus ay magigng “Kami ay nagaga­lak, na sa darating na mga taon ay darami na rin ang mga estudyanteng may kaka­yanang makatapos ng pag-aaral at makakuha ng dekalidad na edukasyon para makaahon sa buhay. Ang karagdagang halag­a para sa mga scholar ay makakahikayat din sa iba pang mga estudyante na ipagpatuloy ang pag-aaral at makapagtapos,” wika ni Mayor Lani Cayetano.

Aabot sa na sa 42,000 LANI scholars ang naka-enroll sa iba’t ibang institusyon kabilang na ang University of the Philippines, Ateneo de Manila University and De La Salle University.

Ngayong taon, ang mga LANI scholars na sina Engr. Guiseppe Andrew B. Buffe ay nanguna sa Aeronautical Engineering Licensure Examination habang pangsampu naman si Engr. Ronald Ian T. Borja sa Electrical Engineer Board Examination.