Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Taguig police pinuri sa tagumpay na buy-bust

0 166

Pinapurihan ni Mayor Lino Cayetano ang Taguig Police dahil sa matagumpay na buy-bust operation na nagresulta sa pagkakakumpiska ng mahigit P20 milyong halaga ng shabu at pagkakadakip sa isang miyembro ng Tinga Drug Syndicate sa Mariano St., Barangay Ususan noong Miyerkoles.

Kinilala ang suspek na si Patrick Ace Tinga, 24, habang siyam na iba pa ang nadakip at dalawang menor de edad ang na-rescue.

Ayon kay Mayor Cayetano, ang pagkakaaresto at pagkakumpiska sa malaking halaga ng iligal na droga ay pruweba sa commitment ng Taguig sa giyera kontra droga sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“We vowed to keep Taguigeños safe. That means we will do whatever is necessary that is allowed by the law to protect them not just from COVID-19 but from illegal drugs and criminality as well,” saad ng alkalde.

Patuloy aniyang susuportahan ng Taguig City government ang kanilang kapulisan dahil walang puwang sa lungsod ang mga kriminal.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.