Una sa Balita

Taguig pinasinayaan ang Teachers’ Lounge

0 246

BIBIGYAN ng Taguig ang mga guro sa pampublikong paaralan ng lounge na kung saan maari silang magpa­hinga, upang mas maisaayos ang edukasyon lalo na sa mga serbisyong nakatuon sa pag-unlad at paglinang ng kagalingan ng mga mag-aaral at guro.

Binuksan sa EM’s Signal Village Elementary School (EMSVES) sa Central Signal ang kauna-unahang Teachers’ Lounge sa Taguig sa isang seremonya noong ika-17 ng Oktubre 2019.

Naglalaman ng entertainment area, lounge, pantry and conference room ang nasabing pasilidad.

Kasunod nito ay bubuksan ang pangalawang Teachers’ Lounge sa Dr. Artemio Natividad Elementary School (DANES) sa Ususan.

Magkakaroon din ng kanya-kanyang Teachers’ Lounge ang 26 elementarya at 10 high school sa Taguig.

Ang inisyatibo ay pakikinabangan ng 38 principal at mahigit kumulang 4,156 na guro, o higit pa dahil sa tumataas na oportunidad para sa mga guro sa sistema ng pampublikong paaralan dito sa Taguig.

“We recognize that our self-sacrificing teachers need a reprieve from their immense workload,” wika ni Mayor Lino Cayetano. “The Teachers’ Lounge is a space where they can eat, unwind, bond with each other and conduct meetings. Above all else, it will raise their morale, help them destress, promote dialogue and build a sense of belonging.”­

Layon ng programa na tumugon sa mas malaking pangangailangan ng mga guro, na mas mapabuti at mabigyan ng mas kapakipakinabang na mga pasalidad ang mga estud­yante at mga guro at isulong ang kadalasan ay nakakalimutan na, ang kapakanan ng mga guro, pagpapaliwanag nito.

Kasama din sa seremonya si House Speaker Alan Peter Cayetano at ang mga lingkod bayan ng Taguig.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy