Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Taguig namudmod ng school supplies, uniporme

0 48

Bawas na ang prob­lema ng mga magulang ng libo-libong mag-aaral sa Taguig dahil may li­bre nang school supplies at uniporme para sa mga papasok ngayong school year 2021-2022 sa blended learning setup.

Ito ang ibinida ng Taguig City local govern­ment unit (LGU) na ipinamimigay nila sa mga residente ng Taguig ang ‘New Normal Education Package’ na naglalaman ng backpack, uniform, raincoat, module, sup­plies at emer­gency kit.

Ayon kay Dr. George Tizon, Taguig City Educa­tion Office chief, nasa 134,415 stu­dents ang makatatang­gap ng nasabing package habang ang mga 5,000 public school teacher ay makatatanggap na­man ng COVID-19 kits at personal protective equipment (PPE) para sa kanilang kaligtasan.

Inaprubahan na­man ng Department of Education (DepEd) ang inisyatibo ng Taguig LGU bilang isa sa pilot city sa Metro Manila na pu­wedeng magsagawa ng face-to-face class kapag pinayagan na ito sa Na­tional Capital Region (NCR).

Sa kasalukuyan, mi­no-monitor ng Taguig ang nasa 1,569 aktibong kaso ng COVID-19 ha­bang nakapagturok na sila ng mahigit 1.1 milyong vaccine dose hang­gang noong Linggo, Setyembre 12.

Nasa 95% naman ng mga public school stu­dent ay nasa ilalim ng Hybrid Modular Distance Learning habang ang 5% ay nasa Dynamic E-Learning program.

Nabatid na naglaan din ang Taguig LGU ng educators na magtuturo ng ‘new and advanced multimedia’ at ‘content creation’ skills sa pama­magitan ng Taguig Online Resources and Communi­ty Hub (TORCH) Training para sa teachers’ program. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.