Una sa Balita

Taguig namahagi ng P4K sa mga TODA, JODA, PODA

0 575

Tumanggap nitong Huwebes ng P4,000 tulong pinansiyal ang mga drayber ng traysikel, jeep, at pedicab ng Taguig bilang tugon pamahalaang sa epekto ng kuwarantenas dulot ng COVID-19.

Sa unang pagbibigay na isinagawa sa , halos 700 kasapi ng SUBTODAI, UBTODAI, BCBTTODA, UBTSA and MPC, and CBDCUBTODA ang nakatanggap na ng kanilang P4,000 tulong pinansiyal. Ginawa ang distribusyon ng per batch at mahigpit na nagpatupad ng social distancing upang masiguro ang kaligtasan ng mga drivers.

Ang natitirang miyembro ay inaasahang matatatanggap nila ang kanilang P4,000 sa susunod na mga araw.

Mahigit sa 15,000 miyembro ng mga asosyayon ng traysikel opereytor at drayber (TODA), jeepney opereytor at drayber (JODA) at pedicab opereytor at drayber (PODA) ang tatatanggap ng ayudang ito mula sa pamahalaang lungsod.

Sa susunod na buwan, mamimigay uli ng karagdagang P4,000.
Inaasahang makasasapat ang P4,000 sa mga pangunahing gastusin ng pamilya sa gitna ng pandemyang COVID-19. Hiwalay na tulong ito sa food packs na nauna nang ipinamahagi ng Lungsod ng Taguig .

“Laking pasalamat namin tulong na ito mula sa Taguig City government. Malaking bagay dahil hindi lang isang buwan kundi dalawang buwan matutulungan kami at an gaming mga pamilya,” saad ni Arvin Penolio na presidente ng UBTODAI.

Ayon kayo Penolio, tanggap niya kung bakit pinagbabawal muna ang pamamasada dahil sa enhanced community quarantine.

Bukod sa tulong pinansiyal, tumutulong din ang transport sector sa pagdisinfect ng mga pamayanang sakop ng kanilang ruta, gamit ang sprayers na ibinigay ng pamahalaang lungsod.

“Isang pamilya tayo dito sa Taguig. Kaya naman tulong-tulong lahat upang malagpasan ang ganitong pagsubok,” sambit pa ni Penolio.

Ang ayudang ito para sa transport sector ay isa lamang sa mga inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng Taguig upang makapag-abot ng tulong sa mga residente sa panahon ng enhanced community quarantine.

Nakapagbigay na rin ang lungsod ng mga stay-at-home family food packs at ng anti-COVID 19 kits sa komunidad.

Nitong Abril 1, 2020, ang pamahaalang lungsod ay nakapamahagi na ng 104,612 stay-at-home family food packs sa mga pamilyang Taguigeños.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More