Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Taguig naitala 7K coronavirus case

0 119

Pumalo na sa 7,151 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Taguig City matapos itong madadagan ng 76 pang kumpirmadong kaso mula sa 22 barangay dito sa nakalipas na 24 oras.

Ayon pa sa Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Units (CEDSU), nakapagtala na ng 6,702 na mga naka-recover kasunod ng paggaling ng 98. Batay pa sa datos, 56 pa rin ang bilang ng mga nasawi sa lungsod matapos kapitan ng nasabing virus.

Pinaalalahanan din ng CEDSU ang mga residente na palagiang magsuot ng face mask at face shield kapag lalabas ng kanilang tahanan at sumunod sa pinaiiral na social distancing. (Mia Billones)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.