Una sa Balita

Taguig ayaw patalbog!

By
0 213

Mukhang natatalbugan ng Taguig ang ibang siyudad sa Metro Manila pagdating sa mga ma­kabuluhang programa tulad ng nutrisyon. Ito’y dahil nagawang masungkit ng Taguig, not once but twice, ang award na kumikilala sa pagkakaroon ng mabisa at maayos na mga prog­ramang pangnutrisyon. Back-to-back na nga ito para sa lungsod dahil sa magkasunod na taon ay sila ang kinilala bilang Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition (CROWN).

At siyempre pa, ­super proud naman si Mayor Lani Cayetano sa achievement ng kanyang pamahalaan dahil nag-iisa lamang sila sa Metro Manila na pinagkalooban ng National Nutrition Council (NNC) ng nasabing pagkilala. “It is an honor for our beloved city to receive its 2nd Year CROWN Maintenance Award — an award that serves as a testament to our city’s collaborative hard work in providing quality health programs for our constituents,” sabi pa ni Mayor Lani.

Sa mga siyudad sa Metro Manila, namumukod-tangi ang mga programang pangnutris­yon ng Taguig tulad ng kanilang ‘Laging Alagaan Nutrisyon ni Inay’ kung saan ang mga buntis na magulang, lalo na ang mga teenage mom, ay tinuturuan ng balanseng diyeta at malusog na pamumuhay upang matiyak na magiging maayos ang kanilang pagbubuntis.  

Abante Hiring – IT dep

Para naman sa mga nanganak, itinuturo ang exclusive breastfeeding at complimentary fee­ding program. Mayroon pa silang ‘Operation Timbang Plus’ (OPT+), kung saan sinusubaybayan ang timbang at taas ng mga batang limang taon pababa.

May feeding program din ang Taguig na tinatawag na Dietary Supplementation Program kung saan pinapakain nang sapat sa loob ng 120 days ang mga undernou­rished na kabataan para maibalik sa kanilang ­tamang timbang.

Bukod pa ito sa mga urban community ve­getable garden kung saan binibigyan naman ng mga planting material at tinuturuan ng tamang pagtatanim ang mga komunidad.

Kung tutuusin, hindi na bago ang Taguig para sa mga award na may kinalaman sa kanilang mga nutrition program. Bago ang CROWN Maintenance Award, sa loob ng tatlong magkakasunod na taon mula 2013 hanggang 2015 ay nakuha ng Taguig ang Green Banner award na ibinigay ng NNC-National Capital Region (NNC-NCR). Ang award na ito ay iginagawad sa mga local government unit na may mabisa at organisadong pagpapatupad ng mga programang pangnutrisyon.

Dahil sa sunod-sunod na Green Banner award, nag-umpisang mabigyan ang Taguig ng CROWN Award noong 2016 at 1st Year CROWN Maintenance Award noong 2017. Kamakailan lamang, kinilalang muli ng NNC-NCR ang Taguig City Nutrition Committee at binigyan ng mga Certificate of Recognition sa pagiging Best in Documentation, Best in Resource Generation and Mobilization.

But wait there’s more, well, more to come pala! Sa kabila ng mga pagkilalang ito, hindi pa kuntento si Mayora Lani dahil target naman nito ang prestihiyosong Nutrition Honor Award na itinuturing na pinakamataas na parangal ng NNC sa hanay ng mga nabigyan ng CROWN Maintenance Award.