Una sa Balita

Taguba, iba pa, ‘di pa lusot sa P6.4B shabu case

By
0 1,052

Hiniling ng Department of Justice (DOJ) sa korte ng Valenzuela City na ikonsidera ang desisyon nitong nagbabasura sa mga kaso laban sa mga suspek na responsable umano sa pagkakapuslit ng P6.4 bilyong shabu shipment sa Bureau of Customs (BOC) noong Mayo ng nakaraang taon.

Kawalan ng hurisdiksyon ang tinukoy na dahilan ni regional trial court Branch 17 Judge Nena Santos sa pagkaka-dismis sa mga kasong importation of dangerous drugs laban kina self-confessed Customs fixer Mark Taguba, Eirene Mae Tatad, Richard Tan, Manny Li, Kenneth Dong Yi, Teejay Marcellana, Jhu Ming Jyun, Chen I-Min, Chen Rong Huan at tatlong iba pa.

Gayunman, iginiit ng DOJ na may hurisdiksyon ang mababang hukuman na dinggin ang mga kaso dahil sa isang bodega sa lungsod natuklasan ang kontrabando matapos itong pumasok sa Port of Manila.