Una sa Balita

Tagtuyot ibinabala na sa susunod na buwan

By
0 543

WALANG El Niño Phenomenon subalit ilang lugar sa bansa ang nakararanas na ng tagtuyot dahil sa kawalan ng ulan at nagbabala ang Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa) na mas marami pang lugar ang makakaranas ng tagtuyot sa mga susunod na buwan.

Ayon sa Pagasa napaaga ang panahon ng tagtuyot dahil sa kakulangan ng ulan mula buwan ng Setyembre hanggang Enero.
Sa ngayon umano ay nakakaranas ng drought o tagtuyot dahil sa kawalan ng sapat na ulan sa loob ng nakalipas na 3 buwan ang Ilocos Norte, Lanao del Norte at Lanao del Sur.

Nasa Dry spell o kawalan ng sapat na ulan sa nakalipas na 2 buwan ang Zamboaga del Sur, Zamboaga Sibugay, Bukidnon, Basilan, Maguindanao at Sulu.

Nakakaranas naman ng dry condition o mababang ulan sa nakalipas na dalawang buwan ang Tawi-Tawi at Misamis Occidental.

Nagbabala ang Pagasa na sa panahon ng tag-init sa dulong bahagi ng buwan ng Marso ay aabot sa 33 lalawigan ang makakaranas ng drought o sobrang tagtuyot kabilang dito ang Palawan, Zambales, Abra, Bataan, Ilocos Norte at Ilocos Sur habang Dry Spell naman ang sa Benguet, Apayao, La Union, Pangasinan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Batangas, Cavite, Quezon, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Antique, Negros Occidental,Negros Oriental, Easter Samar, Zamboaga del Norte, Misamis Occidental at Metro Manila.

Una nang sinabi ng PAGASA na may 70 hanggang 80% ang tiyansa na maranasan ang El Niño Phenomenon ngayong taon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy