Una sa Balita

Tagbilaran chess: Lider si Guanzon

0 360

HINDI mapakali ang isang fan nang malaman na nangunguna ang kanyang paboritong player na si Rommel Guanzon sa nagaganap na 2020 Tagbilaran City Saulog Chess Festival Open Division sa Bohol.

Nasolo ni Guanzon ang unahan matapos magtala ng dalawang sunod na panalo at isang draw upang ilista ang pitong puntos papasok sa ninth at final round.

Kinalos ni seed No. 5 Guanzon sina Norman Longjas at Genesis Apog sa sixth at seventh round habang tabla ang kanyang laro kay top seed National Master Mervin Roque sa eighth at penultimate round.

“Nakakatuwa kasi may mga master na kasali tapos ang gagaling din ng mga naglalaro kaya parang kina­kabahan ako sana manalo si Rommel (Guanzon) sa last round,” naluluhang sabi ni Consuelo Manalastas na isang chess player at fan ni Guanzon.

Huling makakalaban ni Guanzon si NM Elmer Sumngat, kailangan niyang manalo para masiguro ang titulo sa event na ipinatutupad ang nine rounds Swiss system.

Magkasalo sa second place sina Roque at Sumngat tangan ang tig-6.5 pts. habang sina Arseny Savelenko at NM Edsel Montoya ay magkaakbay sa 5th pasan ang tig-anim na mga puntos. (Elech Dawa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More