Una sa Balita

Tagaytay ang sarap mong balik-balikan

0 418

Ramdam na nga ang papalapit na Kapaskuhan. Gusto niyo ba ng malamig na klima? Sakto ang Tagaytay para sa inyong buong pamilya at mga tropa! Damhin natin ang sariwa at napakalamig na hangin ngayong weekend.

Hindi lingid sa marami na ang Tagaytay ay isa sa mga dinarayo na rin ng mga turista bukod sa Baguio na may napakalamig na klima. Ang pagbiyahe sa Tagaytay ay hindi lamang para sa may mga personal na sasakyan, dahil madami na ring mga bus na nag-o-offer ng diretsong biyahe sa napakagandang lugar na ito mula sa Maynila kaya naman hindi na mahihirapan pa ang ating mga ka-Trip Mo, Trip Ko!

Para sa kaalaman ng aking mga tagasubaybay, ako ay nanirahan din sa Cavite.

Doon ako nag-elementary at 1st year at 2nd year high school. Kaya naman malapit din sa aking puso ang Tagaytay dahil noon pa man din ay mahilig na ako at ang aking pamilya na pumunta sa iba’t ibang destinasyon. Malamang karamihan din sa inyo ay may hindi makakalimutang experience sa lugar na ito.

Samahan niyo ako sa lugar kung saan nahubog ang isang ka-Abante niyo na ngayon.

Pagdating ninyo sa Tagaytay hindi na kayo mahihirapan sa pag­hahanap ng puwede ninyong puntahan dahil halos magkakalapit lang ang mga restawran at libangan tulad ng horseback riding, zip­line, cable ride at kung ang trip ninyo ay mag-picnic swak ang picnic grove dahil dito meron ng mga cottage na may napakagandang view. All in one mga ka-Abante dahil puwede na rin kayong mamili ng souvenir at mga pampasalubong.

Trip niyo ba ay heights? Isa rin sa dinarayo dito ang Sky Ranch, nandito ang ferris wheel na pinakamataas sa buong Pilipinas kung saan makikita mo ang napakagandang view ng Taal Lake. Ito ay matatagpuan sa tabi ng Vista Hotel, bukod sa ferris wheel, ca­rousel, super viking ride ay meron ding all-time favorite na rides ang mga bata dito kaya super enjoy ang lahat.

Hindi kumpleto ang pagpunta ninyo dito sa Tagaytay kung hindi ninyo ma-e-experience ang pag-akyat sa Taal Volcano. Kaya huwag palagpasin lalo na sa mga mahilig umakyat ng bundok. Nu’ng umakyat kami sa Taal Volcano, sumakay kami ng kabayo para na rin ma-experience ang horsebackriding nang mahaba-haba na puwede niyo ring maging option.

Alam niyo ba mga ka-Abante, hindi ko rin pinapalagpas ang isa sa mga paborito kong restawran na naghahain ng mushroom burger dito. Samahan pa ng napakasarap na mushroom spag­hetti na siguradong magugustuhan ninyo. Puwede niyo pang si­lipin ang kanilang mga mushroom kung saan ituturo nila kung paano ito inaalagaan.

Swak din sa napakalamig na klima ngayon sa Tagaytay ang kanilang mainit at nanunuot sa sarap na bulalo.

Tandaan po natin mga Ka-Trip Mo, Trip Ko, ang paglalakbay ay isa sa mga sangkap ng buhay kung saan may natututunan tayo at mayroong nabubuong mga alaala na huhubog at kukum­pleto sa kung ano ka pagdating ng panahon.

Oh ‘di ba! Sigurado ako na kahit isang araw lamang ang inyong pamamasyal sulit kayo dito sa Tagaytay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy