Una sa Balita

TAGAMASID: Not counted

By
0 70

Noon pang Hulyo 23 nasa Rio de Janeiro si Kirstie Elaine Alora, ang nag-iisang pambato natin sa taekwondo sa Rio Olympics. Halos isang buwan siya sa Rio bago siya sumabak noong Sabado (Aug. 20).

In fairness kay Alora, habang hinihintay niya ang kanyang pagsalang ay walang hinto ang kanyang training sa ilalim ng superbisyon ng kanyang coach na si Kitoy Cruz.

Pero lahat ng kanyang naging paghahanda ay napunta sa wala. Sa kanyang rematch kay Maria Espinoza ng Mexico, na tumalo sa kanya sa iskor na 2-1 sa isang torneo matapos ang 2008 Beijing Olympics, hindi na naman umubra si Alora. Mas masakit ang kanyang naging pagkatalo sa iskor na 4-1.

Hindi doon natapos ang kanyang pag-asang makapag-uwi ng medalya. Pero sa kanyang unang laban sa repechage round, natalo rin siya sa kay Wiam Dislam ng Morocco sa iskor na 5-7.

Ang sabi ni Alora, 26, hindi pa siya handang bumitaw sa taekwondo matapos na makatikim ng da­lawang sunod na talo sa Rio. Handa pa siyang mag-sakripisyong muli para sa mga susunod na laban sa SEA Games, Asian Games, World Championship at kung papalarin ay sa 2020 Tokyo Olympics.

Isang masigabong palakpakan para kay Alora. ‘Yan ang tinatawag na fighting spirit.

Pero ang tanong ay ito: Saan na ba papunta ang programa ng taekwondo dito sa ating bansa? Noong nakaraang London Olympics, wala ni isang Pinoy na taekwondo fighter ang nag-qualify. Ngayon naman sa Rio, tanging si Alora lang ang nag-qualify.

Bakit nagka-ganito ang sitwasyon ng taekwondo dito sa atin? Talaga bang sa poomsae (forms o praktis) na lang tayo magaling?

Ilang beses na bang nag-kampeon ang Pinoy sa World Poomsae Championships? Madaming beses na rin. Ang problema, hindi ito kasama sa Olympic program. Not counted, ika nga.

Kung nadadaan kayo sa Rizal Memorial Sports Complex, tiyak na makikita ninyo kung gaano ka­dami ang mga kasali sa taekwondo program na ginagawa sa tabi ng opisina ng Philippine Sports Commission. Puro sa poomsae ba ang training ng mga ito?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy