Una sa Balita

TAGAMASID: Ano ba talaga?

By
0 8

Kasado na ang laban ni Pacman kay Jeff Horn sa July 2 sa Brisbane, Australia.

Ito na ang pangala­wang laban ni Pacman mula nang sabihin niyang­ retired na siya sa boxing. Noong nakaraang Nobyembre, tinalo ni Pacman si Jessie Vargas sa Las Vegas at sinunggaban ang WBO welterweight title nito.

Pero ang pitak na ito ay hindi tungkol kay Pacman na boksingero kundi Pacman na basketbolista.

Nabalita kamakailan na may balak si Pacman na iwan ang Mahindra, kung saan siya ang playing-coach at pumunta sa kampo ng Blackwater na pag-aari ng kanyang kaibigan at benefactor na si Dioceldo Sy.

Ayon sa isang report, hindi masaya si Pacman sa nangyaring revamp kamakailan sa Mahindra kung saan nawala sa koponan si KG Canaleta, Aldrech Ramos, Bradwyn Guinto at Paolo Taha.

Ang tanong ay kung paano mangyayari ang gusto ni Pacman. Handa ba siyang bitawan ang kanyang puwesto sa Mahindra bilang playing-coach? Isa ba ito sa mga dahilan kung bakit magmula noong nakaraang Philippine Cup at sa Commissioner’s Cup na ginagawa ngayon ay hindi pa nagpapakita sa laro si Pacman?

Sinabi naman ni Sy na maski na anong koponan ay hindi tatanggihan si Pacman.

Matagal na rin ang pinagsamahan ni Sy at ni Pacman. Bago pa tinanghal na eight-division champion si Pacman ay supporter na niya si Sy.

Noon ngang nag­lalaro pa sa Philippine Basketball League ang Ever Bilena, ang dating koponan ni Sy at dito pa naglalaro si Asi Taulava, bago ito pumunta sa PBA, ay si Pacman ang conditioning coach nito.

Ang isa pang tanong ay kung ano ang magiging stand ng Mahindra at ng PBA tungkol dito.

Papayag ba ang Mahindra na layasan na lang sila basta ni Pacman? At ano naman ang sasabihin ni Commissioner Chito Salud?

Ano ba talaga, Kuya Eddie?