Una sa Balita

Tagalog gagamitin sa US voting card

0 389

SA isang US state, idadagdag na ang Tagalog bilang isa sa mga gagamiting lengguwahe sa mga balota, kasama ang Ingles at Espanyol.

Sa botohan para sa magiging pambato ng Democratic party sa Las Vegas, Nevada, masisilayan ang Tagalog sa mga voting card dahil na rin sa dami ng mga Pinoy dito.

Tinatayang nasa 200,000 ang Asian-American sa naturang US State, malaking porsiyento sa tatlong milyong populasyon sa Nevada.
Kaya dahil dito’y naisip ng mga kandidato na gamitin na rin ito sa kanilang bentahe.

Ayon kay Margie Gonzales, isang Pinay community leader, kanya nang tinuturuan ang ilang pambatong politiko ng ilang Tagalog na salita para mapalapit sa Filipino community sa Nevada.

Ngunit hindi naman kilala ang mga Filipino-American na bumoboto ng bulto para sa isang kandidato.

Kaya naman nagsagawa si Gonzales at mga kasamahan nito ng boodle fight o ang pagkain ng sama-sama sa iisang lamesa habang nakalatag ang mga kakainin sa dahon ng saging, kasama ang ilang politiko.

Sa ngayon ay nagsasagawa si Gonzales ng Tagalog caucus training para sa mga kampanya ng politiko, kasama sa kanyang sinasanay si Bernie Sanders,­ ang pambato ng mga Democrat sa 2020 presidential election. (RP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More