Una sa Balita

Tagahanga una kay Marcial

By
0 2,617

Dahil ‘one of the boys’ na maituturing si Wilfredo ‘Willie’ Marcial, kabisado na niya ang likaw ng Philippine Basketball Association. Dito siya lumaki, ‘ika nga.

Sa pag-upo bilang pang-10 commissioner ng liga, gustong ibalik ni Marcial ang dating ugat at pundasyon ng liga: ang fans.

Gagawa ng paraan si Marcial para maibalik ang dating mainit na tanggap ng fans sa PBA at sa players, tulad noong panahon nina Robert Jaworski, Alvin Patrimonio, Jojo Lastimosa, Samboy Lim.

Abante Hiring – IT dep

Numero unong prayoridad daw niya ang fans.

“I want more fans to patronize the PBA because they are the biggest factor in the league,” wika ni Marcial nang muli ay mag-guest sa PSA (Phil. Sportswriters Association) Forum sa Tapa King sa Farmers Market sa Cubao, QC noong Miyerkoles.

Pag bumalik ang mas maraming fans at inidolo ang players, babalik din ang dating init ng PBA.(Vladi Eduarte)