Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Taga-Pasig na nasa drug watch list bagsak

0 201

Aabot sa P189,720.00 halaga ng shabu ang nasabat sa isang tulak ng iligal na droga matapos ang buy bust operation kamakalawa sa Pasig City.

Nakilala ang suspek na si Omar Cader y Bagowan, 35, kabilang sa listahan ng drug watch list.

Sa report ng Eastern Police District, inaresto ang suspek alas-5:30 Biyernes ng hapon sa Caliwag St., Barangay Pinagbuhatan, Pasig City matapos magsagawa ng buy bust at makipag-transaksyon sa suspek para makabili ng shabu sa halagang P35,500.00 sa suspek saka dinamba matapos ang abutan ng shabu.

Nakumpiska sa suspek ang nasa 27.9 gramo ng shabu na nagkakahalagang P189,720.00.

Nakakulong ito ngayon sa Pasig detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.