Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Taga-GenSan nanguna sa PNPA Batch 2021

0 51

Pinangunahan ng taga-Tinagacan, General Santos City na si F/CDT Kenneth John Espallagar Etucas ang 254 miyembro ng Hinirang Class of 2021 ng Philippine National Police Academy (PNPA).

Nakiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginanap na virtual graduation ceremony ng PNPA sa Camp Gen. Mariano Castañeda sa Silang, Cavite nitong Miyerkoles.

Mula sa 254 na mga nagsipagtapos na kadete ng PNPA, 214 ang madaragdag sa hanay ng PNP habang tig-20 naman ang mapupunta sa Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinapurihan ni PNP Chief Police Gen. Debold Sinas ang liderato ni PNPA Director Polce Major General Rhoderick Armamento gayundin ang pamilya ng mga nagsipagtapos sa suportang kanilang ibinigay sa gitna ng mga hamong kinahaharap.

Kabilang sa top 10 ng graduating Class sina: P/CDT Carljobel Perez Lofranco ng Dait Sur, Inabanga, Bohol P/CDT Joel James Jose De Guzman ng Malubibit Norte, Flora, Apayao P/CDT Kenneth Van Alegasin Encabo ng Davao P/CDT John Kenneth Florentino ng Iligan City, Lanao del Norte CDT 1C Cornelio ng Zamboanga del Norte P/CDT Gerald Arquillano Lopez ng Island Garden City of Samal, Davao del Norte P/CDT Ian Poyaoan Limbawan, ng San Carlos, Pangasinan PCDT Chervil Lerios Ferenal ng Lanao del Sur F/CDT Michael Allen Pabustan Lennon ng Sta. Lucia Capas, Tarlac. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.