WebClick Tracer

Dumaan sa cesarean

Nakakatakot ‘yung panaginip ko dahil nakita ko raw na nasa operation room ako ng ospital at pagkatapos ay sinabi ng isang doktor na kailangan ko raw na i-cesarean. Abay kahit sa panaginip parang naramdaman ko na butil-butil talaga ang pawis ko. Lalo pa nga’t di ko pa naman naranasan ‘yun at isapa e hindi naman ako buntis ngayon. Medyo ilang taon na nga nang manganak ako kaya laking gulat ko talaga sa panaginip kong ‘yun. Ano kayang ibig ipahiwatig nitong panaginip ko? Salamat.

Kahulugan ng backpack

Pangarap ko talaga na one day, makapag-backpacking ako or mag-travel nang solo. Pero nung napanaginipan ko mismo ‘yun parang na-realize ko na hindi ko lang pala dapat na gawing basta pangarap lang, dapat tuparin ko. Naisipan ko na rin na itanong sa inyo kung ano ba ang kahulugan nito? Sign na ba talaga ito na dapat ko nang ituloy ang pangarap ko?

Napapaligiran ng puno sa biyahe

Anong ibig sabihin kapag may panaginip ka na nagda-drive at puro puno ang nakikita sa paligid? Nagkaroon kasi ako ng ganitong panaginip kahit na hindi naman ako nagmamaneho. Pero sa panaginip ko, napaka-relax ng feeling. Parang naglo-long drive lang talaga ako na parang ‘yung sa movie ang eksena.

Dugo sa panaginip

Ano po ang ibig sabihin kapag may panaginip na nakakita ng dugo o dinugo ka? Bale kasi sa panaginip ko po e nakapantalon daw ako hindi ko alam kung natagusan ako o napaupo lang ako sa madumi. Pero ang sabi raw po ng babaeng katabi ko na parang kakilala ko naman, hindi ko lang matandaan, basta ang sabi niya e may dugo daw sa likod ng pantalon ko.

Sign ng libido

Parang simple lang pero, gusto ko pa ring itanong kung ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko kung saan nakita ko yung sarili ko na nagbe-bake? Wala na akong ibang matandaan sa detalye ng panaginip ko basta ako raw ay nagmamasa ng tinapay at pagkatapos nga ay naka-uniform ako na pang-bake. Hindi ako mahilig na magluto ng ulam o ng kahit na ano pero nagkaroon ako ng ganitong panaginip. Ano kayang pahiwatig nito? Salamat.

Nakipaglaro sa dolphin

Ano po kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko na nagpunta raw ako sa isang ocean park. Mataas na mataas yung sikat ng araw nun pero napunta raw ako sa pool kung saan may dalawang dolphin na lumalangoy. Para akong nakipaglaro nun sa kanila, yung di ba kapag nagpupunta sa nga ganung ocean park, pwede ka magbayad para makalaro mo yung dolphin, ganun na ganun nangyari e kaso naman sa totoong buhay di ko naman gagawin ‘yun. Pero all in all e masaya yung panaginip ko na yun.

Kinasal sa taong patay na

May nais bang ipahiwatig ang panaginip ko kung saan nakita ko ‘yung sarili ko na kinasal daw ako sa taong namaalam na? Hindi sinabi sa panaginip ko, pero basta alam ko raw na patay na siya. Pagkatapos e nakita ko pa raw yung tiyahin ko na pumanaw na rin noon pa tapos ay nandun din sa kasalan. Ano kayang ibig sabihin nito? Nakapanindig balahibo man pero kasi

Nakaburol ang parents

First time ko pong magtanong dito, ano po ba ibig sabihin ng panaginip ko both parents ko po matagal nang patay. Dati palagi kko silang napapanaginipan lalo na ‘yung papako. Kagabi naman po, napanaginipan ko na nakaburol papa ko. Sa panaginip ko, noong ililibing na po siya e hindi pa po pala siya patay. Buhay siya, nakita ko kasi gumalaw mga kamay niya. Noong nakaraang buwan po, napanaginipan din sila ng kapatid ko, sila din pong dalawa na pareho pong nasa morgue ang parents ko sa panaginip niya. Ano po ba ang kahulugan ng panaginip ko? Salamat sa pagtugon at sana mapansin niyo po itong katanungan ko.

Pinugaran ng kuto ang ulo

Nais ko lang po itanong ang kahulugan ng aking panaginip. Sa aking panaginip, nakita ko na napakadami ko daw pong kuto sa aking buhok. Ngayon lang po kasi ako nanaginip ng ganun kaya ponatanong ko sa ‘yo. Ano po bang kahulugan noon? Ito po ba ay masama o mabuti? Maraming salamat po sa sagot.

Binaril sa panaginip

Ano kayang ibig sabihin ng panaginip ko na ako raw ay binaril sa panaginip habang naglalakad dito sa amin? Hindi ko naman nakita ‘yung bumaril sa akin, tipong may pumutok daw tapos ay lumagapak na lang ako sa kalsada. Anong tanokot nitong dinulot sa akin kaya napatanong na rin ako kung ano bang pahiwatig nito. Salamat.

TELETABLOID

Follow Abante News on