Nanganak ng kambal

Hindi ako buntis at wala ring balak na magkaroon ng anak sa ngayon, kaya nagtataka ako sa naging panaginip ko tungkol sa panganganak ko at kambal pa. Napanaginipan ko kasi na nakahiga ako at nakahawak sa malaki kong tiyan. Nasa isang kwarto daw ako na napapalibutan ng maraming staff na sa tingin ko ay midwife. May isa sa kanila na nagbigay sa akin ng instruction at para umiri. Maya-maya may lumabas na na baby pero hindi pa rin nahinto ang midwife dahil tila may kinukuha pa siya, may sinabi siya sa akin na parang nahihirapan lumabas ang isa pang baby pero naging successful din itong ilabas. Nang makita ko na may dalawang baby na inaabot sa akin ay doon na ako nagising at halo-halong emosyon ang naramdaman ko lalo na ang pagkalito, sana malaman ko kung anong ibig sabihin nito

Midwife gumaling sa COVID, ni-regular sa trabaho

Dahil sa ipinakitang kabutihan sa paglilingkod sa kanilang bayan sa Mankayan, Benguet, binigyan ng permanenteng trabaho sa gobyerno ang isang midwife matapos itong gumaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).