P15.5B property ng FTI lugi sa Taguig LGU – COA

Sinita ng Commission on Audit (COA) ang kontrata ng state-owned Food Terminal Inc. (FTI) at Taguig City local government unit (LGU) dahil hindi pa rin ito naipatutupad, kaya hindi napakikinabangan ng nasabing government owned and controlled corporation ang ari-arian nito na aabot na sa halagang P15.5 bil­yon.