Amasonang lider ng CPP-NPA timbog sa Capiz

Isang mataas na lider umano ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang dinakip ng magkasanib na pwersa ng 3rd Infantry Division (3ID) ng Philippine Army at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP) sa Roxas City, Capiz.

Nadale sa engkuwentro! AFP, PNP hinahanap bangkay ng Tiamzon couple

Tumanggi ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na kumpirmahin kung ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon na kapwa matataas na lider ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA NDF) ang mga nasawi sa engkuwentro sa tropa ng pamahalaan sa Guti, Catbalogan City, Samar kahapon ng madaling-araw.

BDP dokyu libreng gawa ng premyadong direktor

ISANG maikling dokumentaryong pelikula ang maaari nang mapanood ngayon ng publiko tungkol sa Barangay Development Program (BDP) matapos itong gawin nang libre ng isang premyadong director na nagsasaad ng kahirapan ng ating mga kababayan sa mga kanayunan, na pineste ng mga komunistang-teroristang Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Bong Go pinayuhang magbalik-loob mga rebelde

Iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go ang pangangailangan ng mas malakas na whole-of-nation approach sa pagtugon sa local insurgency sa bansa, kasunod na rin ng panawagan ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa mga miyembro ng armed wing nito na New People’s Army (NPA) na paigtingin pa ang kanilang recruitment, kasunod nang pagdiriwang nil ang kanilang ika-53 founding anniversary noong Marso 29.

NPA sa mga kampanya nakakatakot – Lacson

Nababahala si Presidential candidate Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa impormasyon mula sa dating cadre ng New People’s Army na may ilang miyembro ng legal front ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang tila nakapag-infiltrate sa kampanya ni Vice President Ma. Leonor ‘Leni’ Robredo.

20K rebelde, kumalas na sa CPP-NPA-NDF

MAHIGIT 20K na mga dating rebelde na ang kumalas sa Communist Party of the Philippines-New People’s Amy-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) mula pa noong 2016 dahil sa maayos na “whole-of-nation approach” ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ilang probinsya mapepeste ng CPP-NPA-NDF

Nangangamba ang tatlong gobernador at isang municipal mayor na muling mapeste ng mga komunistang-teroristang Communist Party of the Philippines, New Peoples’ Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang kanilang probinsiya.

Pang-NPA na libro pinalagan ng unibersidad

IBA’T IBANG samahan ng kabataan at dating lider ng mga rebelde ang naghayag ng suporta sa desisyon ng Kalinga State University (KSU) na tanggalin sa kanilang mga library ang mga aklat na nagtuturo tungkol sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Police chief na humirit sa korte ng NPA abogado list, tsinugi

INIUTOS ni Acting PNP chief, Police Lt. General Guillermo ­Eleazar ang agarang pagsibak sa hepe ng Calbayog City Police Station Intelligence Unit dahil sa ginawa nitong request sa korte na kilalalin ang mga abogado na nagdedepensa sa mga personalidad na may kinalaman sa Communist Party of the Philippines (CPP).