Una sa Balita

Taekwondo kid, action star, public servant!

By
0 997

Sa edad na 53, hindi nalilimutan ng tinaguriang ‘Taek­wondo Kid’ ng Pilipinas ang kanyang pinagmulan.

Isang beses kada linggo, basta libre ang kanyang iskedyul, nagtuturo si Monsour del Rosario sa mga colored belt na mga batang taekwondo jin upang ibalik sa mga ito ang lahat ng biyayang natamo niya mula sa nasabing combat sports.

“Once a week, kapag may time, nagtuturo ako sa mga colored belt, sa mga kabataan, para maalala ko kung saan ako nanggaling at saan ako nag-umpisa,” kuwento ng matikas pa ring si del Rosario sa pagbisita kamakailan sa Abante/Tonite office sa Makati City.

Bukod sa pagiging black belter at former Philippine champion sa taekwondo, isa ring sikat na action star si del Rosario nu’ng kanyang kabataan at kasalukuyan namang first termer na kongresista sa unang distrito ng Makati.

Kung papipiliin si Monsour kung ano ang pinakamasarap maging – pagiging aktor, atleta o politiko – ito ang kanyang sagot.

“May three (3) stages sa buhay ko, from age 15 to maybe 30 or 25, I want to be a superstar athlete. Then after superstar athlete, you can do action movies. Fun, fulfilling and can inspire a lot of people because you are young, flexible and you’re fast and strong and you’re daring. When you get a little older like my age, I’m in my 50s already, you want to give back to the community,” paliwanag ng congressman.

*****

Atleta sa puso’t diwa sa lahat ng panahon

Higit sa 40 action films na ang pinagbidahan ni Monsour, lahat patok sa takilya, at kasalukuyang naglilingkod bilang representante sa Kamara ng Makati.

Sa kabila nito, nananatili pa rin ang puso at isipan ni del Rosario sa mundo ng sports.

Magsisilbi siyang chef-de-mission ng Pilipinas sa hosting ng bansa sa paparating na 2019 Southeast Asian Games (SEAG) .

Sa tingin ng champion taek­wondo jin na pinanganak sa Maynila pero lumaki sa Bacolod City, maraming problemang kinakaharap sa kasalukuyan ang Philippine sports na dapat tutukan at resolbahin.

“Maraming gulo na nangyayari sa iba’t ibang National Sports Association (NSA). May mga kaila­ngan tayong ayusin sa Philippine Olympic Committee (POC), maraming kailangang ayusin sa Philippine Sports Commission (PSC),” wika pa nito.

****

Matapang pero cool na tatay

Dalawa ang anak ni Cong. Monsour, isang lalaki na 12-anyos na high red belter sa taekwondo, at unica hija na high blue belter naman.

Bagama’t sumusunod din sa kanyang yapak sa larangan ng combat sports o martial arts, hindi pinupwersa ni del Rosario ang kanyang mga anak na lumahok din sa mga kumpetisyon at maging bahagi ng Philippine Team.

Sapat na sa kanya na makuha ng mga ito ang kani-kanilang black belt upang maidepensa ang kanilang mga sarili kung kinakailangan.

“Ang mahirap kasi, kapag pinalaro ko sila sa kumpetisyon, lahat ng mata nasa kanila. ‘Anak ni Monsour yan. Tingnan natin kung magaling.’ So napi-pressure sila na manalo. So, sabi ko sa kanila ‘wag na kayo mag-compete. Kung gusto n’yo talaga mag-training kayo, kunin n’yo ang black belt n’yo. Kapag natuto kayong dumipensa sa sarili n’yo, kapag gusto ninyong bumiyahe anywhere in the world, may confidence ako na kaya ninyong i-handle ang sarili ninyo,” sabi ng cool na tatay.

****************

Q&A
Abante: Ang pagiging athlete ay lapitin ng babae. Paano n’yo iniiwasan ‘yun sir?

Monsour: (laughs) Nu’ng single ako, madali kasi single ka. Pero kapag nag-asawa ka na, mahirap! Umiiwas na ako pumunta sa mga lugar na maraming ganyan.

Abante: Ano ang greatest achievement mo as a taekwondo artist?

Monsour: Ang greatest achievement yung natanggap ko sa Korea noong 2017 na maging first Filipino, first foreigner, first non-Korean sa buong mundo na na-induct sa Hall of Fame ng World Taekwondo Federation.

Abante: Ano pa ang maitutulong mo sa taekwondo at sa Philippine sports in general?

Monsour: Naatasan ako na maging president ng lahat ng Combat Sports Council o Martial Arts Council under the POC para sa welfare ng mga atleta.

************

CAREER HIGHLIGHTS
Hall of Fame
World Taekwondo Federation 2017
Man of the Year for Taekwondo 2017
8-time lightweight champion 1982-1989
Gold medalist Southeast Asian Games 1987 & 1989
Bronze medalist Asian Games 1986

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy