Una sa Balita

Taekwondo jin Rodriguez sumipa ng 3 gold medals

By
0 453

DAVAO DEL NORTE — Tatlong ginto ang iniuwi ng isang taekwondo jin mula General Santos City habang tiga-dalawa naman sa archers mula sa South Cotabato at Koronadal gayundin sa Panabo City sa dancesports sa ikalawang araw ng ginaganap dito na 2019 Batang Pinoy Min­danao Qualifying Leg sa iba’t ibang lugar ng Tagum City.

Kinolekta ng 13-anyos na si Paul Anthony Rodriguez ang mga nakatayang gintong medalya sa individual junior male, junior pair at sa junior team event upang tanghalin na pinakaunang nakatatlong medalya sa hanay ng mga multi-medallists sa torneo na para sa mga batang atleta na edad 15-anyos pababa.

Ang Grade 7 sa Holy Trinity College of General Santos City ay umiskor ng 7.815 puntos sa Individual Junior bago nakipagpares kay Aleya Rayzel Labao para sa ikalawa nitong ginto sa Junior Pair sa iskor na 8.020 Ikatlo nitong nasungkit ang ginto kasama sina Benedict Opao at Ezekiel Limpin sa Junior Team sa iskor na 7.685.

“Masaya po kasi naipagtanggol ko uli ang gintong medalya na napanalunan ko nakaraang taon,” sabi ni Rodriguez, na nagwagi ng dalawnag ginto noong 2018 Mindanao qualifying leg sa Oroquietta City kung saan ito nakuha na miyembro ng National Junior Pool matapos ang walong taon na paglalaro ng taekwondo.

Apat na kabataang atleta naman mula sa dancesports at archery ang tinanghal na mga double gold medalists.

Ibinigay ng 15-anyos na si Jan Ryl Gabanilla at 14-anyos na si Kathleen Mae Catapan sa Panabo City ang natatangi nitong dalawang ginto sa pagwawagi sa Juvenile C Standard 3 at Juvenile A Standard.

Ang Batang Pinoy Mindanao Leg ay suportado nina Joseph Nelson Briones, Alfalink Total Solution Corp. Chief Operating Officer, Roy Wynn Perla, IT Ope­rations Head Manager at Marke­ting specialist Ms Vi Alien Loiuse Tongco.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy