Una sa Balita

Taekwondo jin Lopez hahabol sa Olympics

0 278

HANGAD ni Philippine taekwondo jin Pauline Louise Lopez na maging ikatlong pambansang atleta na makatuntong sa 2020 Tokyo Olympics sa pagsabak sa 2019 World Taekwondo Grand Prix Sofia Leg sa Sofia, Bulgaria Oktubre 18-20.

Ang 29-anyos at isinilang sa Los Angeles, USA na si Lopez ang tanging isasabak ng bansa sa Kyorugi o Sparring event sa qualifying event sa 2020 Tokyo Olympics.

Isa si Lopez sa tatlong taekwondo jin na nakapagbigay ng tansong medalya sa ginanap nakaraang taon na 2018 Asian Games sa pagsabak sa women’s taekwondo -57kgs. category sa Jakarta Convention Center sa Indonesia.

Hangad din ni Lopez na mabawi ang gintong medalya sa nalalapit na pagsabak nito sa iho-host ng bansa na 30th Southeast Asian Games matapos na magkasya lamang sa pilak sa huling edisyon ng kada dalawang taong torneo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Unang nagwagi ng ginto si Lopez noong 2014 Asian Youth Games bago napili na UAAP Season 79 Rookie of the Year bilang parte ng Ateneo de Manila University varsity team.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy