Una sa Balita

Tabor sinimplihan si Simply Believe

0 158

SINIMPLIHAN ni apprentice jockey RJ Tabor ang pagdadala upang akbayan si Simply Believe sa pagsilo ng Condition Race category 22 Huwebes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Pumuwesto sa tersero si Simply Believe sa largahan, pinanood lang nito ang naglulutsahan na sina Bliss at Princess Atiana.

Papasok ng far turn ay gumalaw na sina Tabor at Simply Believe, lumapit na ito sa unahan upang hawakan ang bandera bago dumating ng huling kurbada.

Sa rektahan, abante na ng anim na kabayo ang third choice favourite na si Simply Believe kaya magaan nito tinawid ang meta.

“Parang siya ang liyamado kasi ang layo nanalo, tingin ko harang niya ‘yung grupong tinakbuhan niya kaya mananalo pa rin siya sa susunod na laban,” saad ni Peter Macabenta, isang karerista.

Sumegunda si Feather In The Wind habang dumating na tersero si Storm Goodess sa event na may distansyang 1,300 meters. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy