Una sa Balita

Tabloidista Trina sumugod sa Taal

0 268

Sinuong ni PETmalu host Trina Martinez ang maputik na mga kalsada upang ibalita ang pagpapalikas sa mga residente ng Talisay, Batangas.

Sa live video, masasaksihan ang paglikas ng mga nasabing residente patungo sa kalapit na bayan nitong Lunes ng umaga, Enero 13, ilang oras matapos umulan sa lalawigan.

Napuno ng putik maging mga sasakyan ng media at awtoridad na rumeresponde sa mga ililikas na mamamayan.

Ayon kay Martinez, simula alas-11 ng umaga ng Enero 12 nagsimula ang rescue operations ng mga awtoridad sa nasabing lugar.

Naispatan din ang ilang residente na bitbit ang kanilang mga alagang aso sa paglikas.

“Syempre, meron din pong mga residenteng merong fur babies [na] kasama nila (mga residente ng Talisay) sa rescue operation,” ani Martinez.

Sa ngayon, nakataas pa rin sa Alert Level 4 ang Taal Volcano.

Ibig sabihin, posible ang “hazardous explosive eruption” sa susunod na mga oras o araw, ayon sa Phivolcs.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More