Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tabla-tabla! Pahirap sa telco tower hahabulin kahit campaign donor

0 375

Hindi patatawarin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lokal na opisyal na nang-iipit sa permit application ng telecommunications companies o telcos para sa pagtatayo ng kanilang transmitters.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mensahe sa bayan nitong Lunes ng gabi matapos magbigay ng report sa kanya si Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Eduardo Año sa status ng mga nakapending na permit applications ng telcos sa Local Government Units.

Sinabi ng Pangulo na hindi katanggap-tangap sa kanya ang 200 araw na nakapending ang permit application kaya hahabulin niya ang mga pabaya at tiwaling mga lokal na opisyal.

Hindi aniya siya madadaan sa pakiusapan kahit pa supporter niya ang mga ito at tumulong sa kanya noong pampanguluhang halalan.

“Talagang ipahabol ko kayo at saka walang pakiusapan. No mercy ako either supporter kita , tumulong ka sa eleksiyon,” anang Pangulo.
Kaya aniya nahihirapan ang mga telco sa kanilang serbisyo ay dahil sa hindi naaaksiyonang permit applications ng mga kumpanya para makapagtayo ng mas maraming transmitter towers.

Muling binalaan ng Presidente ang local officials na ayusin ang trabaho at serbisyo dahil kapag nagkamali ang mga ito ay hahabulin niya hanggang sa kulungan.

“Huminto kayo at huwag pahirapan ang mga Pilipino. Pag walang service mahirap magtrabaho. Walang tower marami kayong hinihingi and any permit for that matter,” dagdag ng Pangulo.(Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.