Una sa Balita

Tabal gusto ‘flat’, ayaw ng challenging

0 381

GANADO ang mga atletang Pinoy sa 30th ­Southeast Asian Games kaya naman namamayagpag ang ­Pilipinas sa medal tally.

Malaki ang tsansa na makuha ng Pilipinas ang ­inaasam na overall championship dahil marami pang pambato ang sasalang sa susunod na mga araw, isa na rito si defending women’s marathon champion Mary Joy Tabal na sasalang sa Disyembre 6 sa New Clark Athletic Stadium.

Ayon kay 30-year-old Tabal na-inspire siya sa mga ipinakikitang performance ng kapwa niya ­Filipino athletes.

“Giving a good start yesterday, (1st day ­competition) getting those gold really inspires us ­Filipino athletes to give our best also to add gold para makuha natin ang overall,” saad ni Tabal sa naganap na 2019 Collection Showcased sa Opening ng ASICS House sa New Clark City Athletes’ Village, Tarlac.

May kahirapan ang ruta ng tatakbuhin ni 2017 Kuala Lumpur SEA Games Tabal ngayon ­kumpara sa Malaysia pero gagawin nito ang lahat para makapagbigay ng karangalan sa bansa.

“Hindi ko sure kung mas maganda ‘yung performance namin ngayon kasi flat sa Malaysia tapos dito very challenging it’s not flat,” pag-amin ni Tabal. “But I’ll give my best,”

Ang personal best ni Tabal ay dalawang oras at 43 minuto sa marathon. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy