Una sa Balita

Taas presyo sa produktong petrolyo, nakaamba

By
0 647

ISA na namang panibagong pagtaas sa pres­yo ng mga produktong petrolyo ang nakaamba sa susunod na linggo.

Bukod sa mga produk­tong petrolyo, nakaamba rin ang pagtaas sa presyo ng liquefied pet­roleum gas (LPG).

Batay sa nakalap na impormasyon mula oil industry source, maaari na naman tumaas ang presyo ng gasolina, diesel at kerosene sa susunod na linggo mula sa P0.40 hanggang P0.60 sentimo sa kada litro nito.

Abante Hiring – IT dep

Gayunman, maaari pa umanong magbago ito depende sa resulta ng kalakalan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Ayon sa Department of Energy (DOE), muli na namang umakyat ang presyo ng crude oil sa pandaigdigang merkado matapos magpulong ang mga miyembro ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) noong Hunyo 22.

Napag-usapan umano sa pulong ang mga problema sa paghihigpit ng supply ng langis sakaling patawan ng sanction ng Estados Unidos ang Iran at pagbawalan ang pag-aangkat ng langis mula rito.

Problemado rin umano ang supply ng langis sa ilang mga bansang may nararanasang kaguluhan tulad ng Libya at Venezue­la.