Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Taas presyo ng manok pinigil ni Duterte

0 135

Inaasahang hindi tataas ang presyo ng manok sa merkado matapos maglabas ng executive order si Pangulong Rodrigo Duterte para panatilihin ang presyo ng poultry products.

Sa ilalim ng EO #123 na pirmado ni Pangulong Duterte noong January 15, 2021, may pangangailangang matiyak ng gobyerno ang patuloy na supply ng essential food products at mapanatili ang matatag na presyo ng mga nabanggit na produkto.

SM food to go Banner Ad

Layon din ng EO na matulungan ang mga negosyante na maka-recover at mapanatili ang kanilang operasyon sa panahon ng COVID pandemic.

Ang pananatili ng 5% tariff rates sa mga mechanically deboned meat ng manok at turkey ay batay sa rekomendasyon ng National Economic and Development Authority (NEDA) .

Saklaw ng EO ni Pangulong Duterte na hindi muna dapat taasan ang buwis ng fresh, chilled at frozen cuts ng mga panindang manok sa mga pamilihan at hindi sumabay sa mataas na presyo ng baboy.(Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.