Taas-pasahe ng PNR kinontra

By

Hinarang sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang P5 taas-pasahe na ipatutupad ng Philippine National Railways (PNR) sa Hul­yo 1, 2017, dahil marami umanong pera ang Department of Transportation (DOTr) na puwedeng ipang-abono rito.

Pinaliwanag ni PNR General Manager Jun Magno na gagamitin ang kikitain sa dagdag-pasahe para sa pagsasaayos at pagkukumpuni ng mga tren, mga riles at istasyon ng tren.

Subalit hindi ‘binili’ ni Quezon City Rep. Wins­ton Castelo, chairman ng House committee on Metro Manila development, ang katuwiran ng PNR.

Ayon kay Castelo, hindi gumagastos ang DOTr ngayong taon kaya marami umanong pondo ang departamento na puwedeng gamitin para abonohan ang panga­ngailangan ng PNR.

“DOTr underspent their budget this year. They are not able to bid out necessary projects so if they are awash with cash, why let the poor public be burdened with additional expenses?” tanong ni Castelo.

Para sa mambabatas, makabubuti kung ayusin muna nang husto ng PNR ang kanilang mga tren at serbisyo bago pag-isipan na magtaas ng pasahe dahil dalang-dala na aniya ang publiko sa ganitong mga pangako.

SHARE