Una sa Balita

Taal Volcano tuloy sa pag-alburoto, heavy ashfall

By
0 329

Nagpapatuloy ang pag-aalburoto ng Taal Volcano, ayon sa Phivolcs.

Batay na rin ito sa tuloy-tuloy na paglindol at lava fountain sa lugar.

Umaga nitong Lunes nang magbuga ng lava ang bulkang Taal kung saan nakapagtala ng 75 volcanic earthquake.

Sa 4:00 pm update ng Phivolcs, bumabagsak sa southwest ng volcano island sa Cuenca, Lemery at Taal sa Batangas ang matinding ashfall.

Kabuuang 144 volcanic earthquake na rin ang naitala sa Taal region kung saan naramdaman ang Intensity 1-5 sa Tagaytay City, Alitagtag, Lemery, Santo Tomas, at Talisay Batangas.

Sintomas umano ito ng magma intrusion sa ilalim ng Taal na maaaring mauwi sa pagsabog muli.

Sinabi naman ng PAGASA na magbabago ang wind direction sa susunod na tatlong araw kaya mananalasa ng ashfall sa Laguna, Quezon at Rizal.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More