Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Taal tuloy sa pag-alboroto

0 60

Nanatili sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal dahil sa walang puknat nitong aktibidad, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Bagama’t isang pagyanig lamang ang naitala ng Phivolcs sa nakalipas na 24-oras, umabot hanggang isang kilometro ang taas ng usok na inilalabas ng bulkan.

Umabot din sa 4,821 tonnes kada araw ang ibinubuga nitong sulfur dioxide.

“These parameters indicate overall that magmatic unrest continues to occur at shallow depths beneath the edifice,” dagdag ng Phivolcs.

Nakataas sa Alert Level 2 ang bulkan simula noong Marso 9.

Kasabay nito ay mahigpit pa ring pinagbabawal ang pagpasok sa permanent danger zone sa posibleng pagsabog ng bulkan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.