Una sa Balita

Taal recovery task group hinirit

0 317

Ang pagbuo muna ng Taal Recovery Task Force ang dapat na pagtuunan ngayon ng mga adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mabilis na pagbangon ng mga biktima ng pagputok ng Bulkang Taal.

Iminungkahi ito ni House Deputy Spea­ker Rep. Mikee Romero habang hindi pa umano naitatag ang Department of Disaster Resi­lience (DDR).
Paliwanag ng kongresista, habang hindi pa umano naitatag ang DDR ay dapat bumalangkas na umano ang pamahalaan ng Inter-Agency Taal Rehabilitation, Recovery and Livelihood Program na patatakbuhin at pa­ngangasiwaan ng bubuuing task force.

Sa pamamagitan umano nito ay mabibigyan agad ng atensiyon ang mga biktima tulad ng masisilungan ng mga ito, trabaho at kabuhayan.

“While we do not have yet a Department of Disaster Resilience, this will do for now. Housing, jobs and livelihood should be the key result areas of the program and its implemen­ting task group,” ayon kay Romero.

Si Human Settlements Secretary Eduardo del Rosario ay maari umanong magsisilbing chairman ng task group.

Dagdag pa ng kongresista, kailangan ang mabilis na aksyon ng pamahalaan para sa pagbangon ng mga biktima at hindi umano dapat na hayaang matutulad ito sa mapinsala at maeskandalong Yolanda relief, rehab at recovery. (Eralyn Prado)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More