Una sa Balita

Taal kumalma, Alert Level 2 na lang

0 376

DAHIL sa pagbaba ng magmatic unrest, ibi­naba na ng Philippine Institute of Volcanolo­gy and Seismology (Phivolcs)­ sa Alert Level­ 2 ang Bulkang Taal.

Ayon sa Phivolcs sa nakalipas na dalawang linggo ay nagkaroon na ng pagbaba sa aktibidad ng bulkan kaya nagbaba ng alerto.

“Alert Level 2 means that there is decreased unrest but should not be interpreted that unrest has ceased or that the threat of an eruption has disappeared,” ayon sa Phivolcs.

Nilinaw naman ng Phivolcs na hindi pa rin dapat na maging kampante ang mga residente at dapat na manati­ling alerto.

Patuloy na naka-monitor ang ahensiya at kung magkaroon ng pagbabago ay maaa­ring itaas muli sa Alert Level 3.

“Should an uptrend or pronounced change in monitored parameters forewarn a potential eruption, the Alert Level­ may be raised back to Alert Level 3,” ayon pa sa ahensiya.

Sa kabila nito, mahigpit pa ring ipinatutupad ang Permanent Danger Zone. (Tina ­Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More