Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Taal bumuga ng asupre

0 93

Nagtala ng pinakamaraming binugang asupre ang bulkang Taal nitong Martes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), umabot sa 25,456 tons ng sulfur dioxide (SO2) ang ibinuga ng Taal Volcano nitong Martes.

Sa kanilang advisory nitong Martes, ang naitala kahapon ay halos tatlong beses na mas mataas kumpara sa 8,854 tons noong Setyembre 27. Gayunman, hindi umano ito magdudulot ng malakihang pagsabog, ayon kay Phivolcs director Renato Solidum Jr.

“‘Yung mataas na pagbuga ng sulfur dioxide kahapon ay kasunod ng mataas na pagbuga ng sulfur dioxide nitong mga nakaraang araw,” pahayag ni Solidum. “Ibig sabihin patuloy ang pagkakaroon ng degassing ng magma sa mababaw na parte ng bulkan kaya marapat na pag-ingatan ito.”

“Hindi naman ito nangangahulugan na magkakaroon ng napakalakas na pagsabog tulad noong January 2020,” dugtong pa niya.

Sa ngayon ay nakataas ang Alert Level 2 sa bulkan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.