Syrian plane pinabagsak ng US

By

Pinabagsak ng US-led coalition ang isang Syrian warplane sa lungsod ng Raqqa, Syria kasunod ng pagpapabagsak nito ng bomba ‘di kalayuan sa kinalalagyan ng mga sundalong Amerikano.

Sa ulat ng Agence France-Presse (AFP) base sa inilabas na kalatas ng US-coalition na ginawa nito ang nasabing aksyon bilang isang uri ng depensa.

Base sa ulat, inihulog ang mga bomba ng F/A-18 SU-22 fighter jet malapit sa Syrian Democratic Force sa bayan ng Tabqah.

Maliban sa pagbabagsak ng bomba inatake rin ang warplanes na pag-aari ng Syria sa nasabing lungsod.

Tinarget ng US-led coalition ang headquarters at ang suicide car assembly line ng ISIS sa probinsya ng Deir al-Zour.

Kamakailan ay pinabagsak din ng American F-15E ang Iranian-made drone matapos atakehin ang mga sundalong Kano sa southeastern Syria.

SHARE