Una sa Balita

Syria binomba ng US, UK at France

By
0 1,782

NAGPAKAWALA ng missiles ang Estados Unidos, United Kingdom at France sa mga piling target sa Syria bilang parusa sa ginawang pagpatay sa higit 40 sibilyan sa Douma, gamit ang chemical weapon.

“I ordered the United States armed forces to launch precision strikes on targets associated with the chemical weapon capabilities of Syrian dictator Bashar al-Assad,” ayon kay President Donald Trump nitong Biyernes sa White House.

Yumanig ang mala­lakas na pagsabog sa ca­­pital ng Syria nitong Sabado ng madaling-araw kung saan nagkulay orange ang kalawakan dahil sa mga pinakawalan na air defense unit na surface-to-air missiles upang pasabugin ang mga missiles na pinakawalan ng coalition forces.

Abante Hiring – IT dep

Ayon sa Syrian media, 13 rocket ang napabagsak sa katimugang bahagi ng Damascus.

Tinamaan sa air strike gamit ang cruise missiles ang scientific research center na matatagpuan sa Damascus, ang chemical weapons storage faci­lity, chemical equipment storage facility at command post sa Homs.

Tatlong sibilyan naman ang sugatan sa Homs nang tamaan ng debris mula sa mga missile na na-intercept at pinasabog ng air defense system ng Syria.

“Right now this is a one-time shot and I believe that it sent a very strong message (to the Syrian regime),” ayon kay US Defense Secretary James Mattis.

Kinastigo naman ng Russia ang ginawang pag-atake ng US, UK at France sa Syria. Mariin pa ring itinatanggi ng Syrian government na sila ang may kagagawan sa paglason sa mga si­bilyan sa Douma.