Una sa Balita

Sylvia tinawanan lang ang mga panlalait sa akting niya

By
Sylvia Sanchez
0 5,931

Buong pagmamalaki na sinabi ni Sylvia Sanchez na si Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment ang nagbigay sa kanya ng break sa pelikula. Ito ay ipinahayag ni Ibyang sa presscon ng pelikulang Mama’s Girl na ipapalabas sa mga sinehan simula sa January 17.

Inamin ni Sylvia na maraming tumitira sa kanya o nagba-bash noon sa kanya na pinagdududahan ang kakayahan sa pag-arte. Pero imbes na mapikon ay ito ang naging challenge sa kanya para galingan o i-prove sa kanila na mali sila.

Maraming pinagdanan si Sylvia pero nalagpasan niyang lahat ito. Ngayon ay isa na siyang artista na de-kalidad at hindi matatawaran.

Maski ang personal niyang buhay ay maayos at may mga malalaki na siyang mga anak na nag-aartista na rin. Kaya sa pelikulang Mama’s Girl ay nakaka-relate siya na nagbibigay-aral sa mga moviegoers kung papaano palakihin at tratuhin ang mga anak.

Aliw naman sa kanya ang mga kabataang kasama niya sa movie gaya nina Sofia Andres, Diego Loyzaga at iba pa. Maski ang mga producer ay happy sa performance ni Ibyang at kaya sigurado na tayo na may mga susunod pang pelikula sa Regal si Sylvia.

‘Aksidente lang’ – Diego

Nilinaw ni Diego Loyzaga ang isyu tungkol sa nude video niyang nakita sa social media. Nai-post daw niya ito accidentally na nakahubad nga siya sa bathtub sa European Tour niya.

Gusto lang daw niyang i-share ang kultura sa bansang pinuntahan niya na normal sa mga tao doon ang maligo ng ganun sa kalagitnaan ng winter. Sa Sweden yata iyon at sa Amsterdam.

Pero agad daw niyang tinanggal sa IG niya pero may mga nakakita pa rin, kaya kumalat. Walang intensyon si Diego na ilabas iyon para pag-usapan siya. Kasama si Diego sa pelikuang Mama’s Girl.