Una sa Balita

Sylvia, Rosanna sanib-puwersa sa pambubugbog kay Irma

0 432

Ang dami na ngang nangyayari sa primetime soap na “Pamilya Ko” na pinagbibidahan nina Sylva Sanchez, Joey Marquez, JM de Guzman at Irma Adlawan – namatay ang karakter ni Marco Gallo, may depression si Kira Balinger, at pati na rin si Rosanna Roces ay umaahas na kina Luz (Sylvia) at Fernan (Joey).

Sa huling tagpo ng serye, nahuli ni Luz ang paghalik ni Elena (Rosanna) kay Fernan, at na-video-han naman ito ng “kaibigan” niyang si Yolly at ipinagkalat sa social media. Malamang, apektado na naman ang magkakapatid na Magbunga, at nag-iisip na kung paano reresbak para sa kanilang ina.

Sa teaser ng programa, ipinakitang magsasama-sama sina Luz, Elena, at iba pang mga niloko at sinaktan ni Loida sa pamilya Magbunga sa paghahatid ng mga matitinding sampal kay Loida, dahil sa mga kasamaang idinulot niya.

Gigil na gigil na nga kaming makita ang pambubugbog kay Loida bilang kabayaran sa mga ginawa niya. Sabi nga ng iba: Deserve niya ‘yan!

Mukhang malapit na ring pagbayaran ni Loida ang mga kasalanan niya, kasama na ang koneksyon niya sa pagkamatay ni Stefano (Marco), dahil unti-unti na rin kasing napagdudugtong nina Chico, Fernan, at Luz ang mga ebidensya na makapagpapatunay na si Loida rin ang puno’t dulo nito.

Marami pa naman ang nakaabang at kinikilig sa tambalan nina Marco at Kira, sayang lang na naudlot agad ito.

Tuloy-tuloy naman ang papuri sa programa na iba’t ibang topic ang napagtutuusan ng pansin.

“I love how this teleserye is letting every artist shine in their own ways. Sylvia Sanchez as always, she delivers. Maris Racal’s scene with Irma Adlawan was commendable, JM De Guzman with his effective acting almost every episode, and now, Kira Balinger’s in the spotlight. And girl, she did not disappoint. Hope to see Jairus, Kiko, Kid and the two bunsos time to shine,” pahayag ni Rojan Dale sa YouTube.

“Ito yung magandang panoorin na drama, hindi na kailangan paikot-ikot pa ang istorya. Huli kung huli, sampal kung sampal sa mga traydor,” komento naman ng YouTube user na si Lai Zerimar.

Naku, mukhang malalang sampalan na nga ang mangyayari. Hats off ka sa ka-imbyernahan, Loida! (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy