Una sa Balita

Sylvia proud sa masalimuot na nakaraan

By
Sylvia Sanchez
0 3,074

Nagbabalik si Sylvia Sanchez sa Regal sa pelikulang Mama’s Girl.  Hinding-hindi makalimutan ng aktres ang pagkaka-disco­ver sa kanya ni Mother Lily kaya todo-todo ang pagtanaw niya ng utang na loob sa ma­laking tulong sa kanya nu’ng nagsisimula pa lang sa showbiz.

“Thankful ako sa movie na ito dahil ang tagal ko nang sinasabi sa kanya na, ‘Mot­her, ang tagal mo nang hindi ako kinukuha!’ So ngayon, kinuha ako, bumalik siya sa akin, bumalik ako sa kanya kaya thankful ako,” pahayag ni Sylvia sa pinagbibidahang movie na Mama’s Girl.

“Si Mother Lily ang nag-discover sa akin kaya ‘yung kuwento namin is sobrang haba. Kung gusto ninyong ma­laman kuwentuhan tayo ng isang araw. Hindi ko idi-deny ang mga pinagdaanan ko dahil ipinagmalalaki ko ‘yon! Doon ako lahat humugot ng tapang! Na kung me­ron mang nagtawa sa akin noon, thank you dahil kung anuman ‘yon, sa inyo ako kumuha ng tamang lakas at tapang!” rason pa ng premyadong aktres.

Hindi makalimutan ni Ibyang ang sinabi sa kanya ni Mother na, ‘Ipinagmamalaki kita! Dahil kung wala si Mot­her Lily, wala si Peque Gallaga, wala si Lore Reyes, wala ako. Utang na loob ko kay Mother Lily ‘yon at never kong kakali­mutan sa tanang buhay ko!”

“Thank you, Sylvia, huh! I love you!” reaksyon ni Mother sa tinuran si Sylvia.

Lumabas siya sa mga sexy film sa Regal pero hindi niya ikinahihiya ‘yon. Nasabihan kasi siyang hindi marunong umarte.

“Dasal, sipag, tiyaga, pagmamahal, maging professional ka at talent ang puhunan. Higit sa lahat, kahit laitin ka ng tao, kahit pagtawa­nan ka, huwag mo silang kalabanin. Bagkus, tawanan mo, mahalin mo. ‘Yun lang ang ginagawa ko sa buhay ko!” katwiran pa ng aktres.

Malapit sa puso ni Sylva ang role niya sa pagbabalik sa Regal dahil isang inang luma­laban at mapagmahal sa anak ang role niya. Lalabas na anak niya si Sofia Andres kapareha ang ka-loveteam na si Diego Loyzaga.

Alden binulabog ang EK

Binulabog ni Alden Richards ang theme park na Enchanted Kingdom nang idaos niya ang kanyang birthday celebration nu’ng Sabado nang hapon. Blowout ng Pambansang Bae sa kanyang fans ang pagkakaroon ng One Fun Day with with Alden kung saan sinamahan din siya ng ilang Kapuso stars sa selebrasyon.

Lalong nagkagulo ang mga tao nang bumaba sa stage si Alden para pirmahan ang ilang me­morabilia na dala-dala ng kanyang fans tulad ng album, lumang posters at iba pa.

Naging bahagi rin ng selebrasyon ang ilang Kapuso artists gaya nina Kristoffer Martin, Bea Binene, Rodjun Cruz ang boyband na Top at iba pa.

Samantala, isa sa birthday gifts na tinanggap ni Alden ay ang muling pagpirma ng bagong kontrata under GMA Records. Pa­wang umabot sa platinum award ang albums na ginawa ni Alden under GMA Records.