Una sa Balita

Sylvia pinagtawanan ang co-actor

0 473

Wow, ang bongga lang, Dondon, kahit malayo sa Tomas Morato at Timog Avenue, Quezon City ang presscon/announcement ng “Coming Home” ay “blockbuster” ang attendance ng entertainment press, huh!

Actually, comeback movie ni former Senator Jinggoy Estrada ang “Coming Home” kung saan ay kapareha niya si Sylvia Sanchez.

Dalawa nga pala sa mga gaganap na anak nina Jinggoy at Sylvia sa nasabing pelikula (na intended for Metro Manila Summer Film Festival) sina Jake Ejercito at Julian Estrada, na half-brother at anak niya, respectively.

Biniro ko sina Jake at Julian kung paano ang talent fees nila sa “Coming Home”?

Sabi ng dalawa, hindi raw nila natanong ‘yon kay Jinggoy.

Nagbiro rin si Jake na after ng presscon ay tatanungin niya ang kanyang kuya tungkol sa bagay na ‘yon at nag-second the motion naman sa kanya si Julian.

Marami nga pala ang nanibago kay Jinggoy dahil parang very shy siya sa presscon kahapon, pero sabi niya ay naninibago lang siya dahil seven years ago pa ang last movie niya.

Ang ganda lang na madalas mag-asaran sina Jinggoy at Sylvia, ha! Na naikuwento nga ni Sylvia na noon ay pinagtawanan siya ni Jinggoy, ha!

Ogie lumevel sa kaguwapuhan ni Ian

Ang ganda lang ng friendship nina Ogie Alcasid at Ian Veneracion dahil pareho silang excited na magkatrabaho sa “Kilabotitos” concert sa New Frontier Theater on March 20 and 21.

Actually, ‘yung “Ian: In Color” last year ni Ian sa Music Museum, si Ogie ang nagprodyus at special guest pa nga siya sa first night.

Anyway, itong “Kilabotitos” at equal na sila dahil may mga duet sila at marami ring solo songs.

Noon pa naman ay sinasabi na ni Ogie na bilib siya kay Ian, kaya naman plinano talaga niya ang “Kilabotitos” nila.

Oo nga pala, parehong magaling maggitara sina Ogie at Ian, kaya asahang may mga kakantahin sila sa nasabing concert na maggigitara sila.

Reid lalong pinagnasaan ng mga girlash, beki

Alam mo, Dondon, hindi ako naniniwala sa tsikang si Issa Pressman ang third party sa hiwalayang James Reid at Nadine Lustre. Ilang common friends kasi nila ang nagkukuwento sa akin na sobrang close lang talaga ang dalawa.

At kung ang public ay nagdududa sa closeness na ‘yon nina James at Issa, ang mga nakakakilala naman sa kanila ay parang walang ganoong duda.

Ang narinig ko nga lang about James, marami raw talagang mga babaeng “nagnanasa” sa aktor.

Noong panahon daw nila ni Nadine ay may ibang girls daw na nagpi-flirt kay James kapag nakatalikod ang noon ay girlfriend pa niya.

I repeat, nagpi-flirt kay James at hindi ko sinabing pini-flirt din niya, huh!

Sa isang event nga last year, may tsikang may isang girl daw na trying hard na nagpi-flirt kay James. Well, mas lalo ngang naging kanasa-nasa si James sa mga babae, at bading ha.

Well…

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More