Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sylvia nadulas: Arjo, Maine pakakasal sa 2021?

0 435

Sa virtual presscon ng Maalaala Mo Kaya, na kung saan ay isa sa mga bida si Sylvia Sanchez, kasama sina Arjo Atayde at Jane de Leon, tinanong ang mahusay na aktres kung ano ang inaasam niyang maganap sa 2021.

“Gusto ko na matapos ang pandemic na ito. Sana matapos na kasi ang dami-rami na nating pinagdadaanan, dito sa Pinas, at sa buong mundo.

“Looking forward ako n asana Lord matapos na. Pero, sasabihin ko pa rin na in God’s time. Bahala na si Lord. Idadasal ko, pero alam ni Lord ito lahat, may rason ito lahat,” saad ni Sylvia.

Pero sa mga susunod niyang mga linya, tila nag-iba ang timpla ng chika ni Sylvia. Na parang may gusto siyang ipahiwatig na gusto niyang maganap sa 2021, o posibleng maganap sa 2021.

“Looking forward din ako na maipagpatuloy ko pa, na alam mo `yon, may bagong pamilya na dumarating. Na mamahalin mo ang bagong pamilya, na palalakihin mo ang bagong pamilya,” say pa ni Sylvia.

SM food to go Banner Ad

Na hirit nga ni MJ Felipe, parang may gustong ipahiwatig si Sylvia, na parang may ‘kasalan’ na magaganap sa 2021. At pag kasalan ang pag-uusapan, sino pa ba ang maisiip mo na puwedeng gumawa noon sa Atayde family, kundi si Arjo, at siyempre kay Maine Mendoza.

“Hala! Hahahahahaha!” reaksiyon ni Sylvia.

Bagong pamilya kasi ang sabi mo?

“Hahahaha! Ayun na nga ba, eh. Pero hindi, marami kasing dumating. Like kahapon, sa IG post ko, after 7 months, nagkita kami noong nurse na nag-alaga, tumutok sa aming mag-asawa noong may COVID kami. Dumalaw sa amin. Sabi ko nga, bagong pamilya, bagong kaibigan. Bagong mamahalin, dahil sila ang nag-alaga sa amin noong nagka-COVID kami!” paglilinaw ni Sylvia.

Anyway, sa unang tampok ng “MMK,” bibigyang buhay ni Arjo ang kwento ni Dr. El Bactol, isang doktor na nagsakripisyo ng kanyang buhay dahil sa COVID-19. Makakasama niya si Sylvia, at si Jane, at idinerehe ni Dado Lumibao. Panoorin ang paunang handog ng MMK ngayong Nobyembre 28 at Disyembre 5. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.