Una sa Balita

Sylvia gusto nang mamatay, hindi kinaya ang lupit ni Ariel

By
0 4,053

Siguradong ha­hagulgol at mapapakapit ang mga manonood sa pagtatapos ng Kapamilya seryeng Hanggang Saan dahil ang bida mismo ng palabas na si Sylvia Sanchez ay napaiyak habang binabasa ang script ng serye sa final week nito.

“Merong barilan pero ito, mas malala sa baril. Sasabihin ko, ‘barilin mo na lang ako para mawala na yung sakit.’ Mga sampung beses na sakit ang mangyayari,” sabi ng award-winning actress sa finale presscon ng palabas.

Kaabang-abang nga talaga ang kaganapan sa serye dahil mas hihirap na ang pagsubok ng karak­ter ni Sylvia na si Sonya ngayong matitikman niya ang pait ng ganti ni Jacob, na ginagampa­nan naman ni Ariel Rivera.

Pero bukod naman sa magaling na pagganap ni Sylvia sa serye, pinag-usapan din ang tambalan nina Arjo Atayde at Sue Ramirez, na parehong hindi inakalang magki-click sa mga tao ang kanilang tandem.

“The rapport at first, medyo kinakapa pa. We don’t know how this kilig thing goes. One thing we learned and agreed on is to be as real as possible,” sabi ni Arjo.

“Ito po came as a surprise to the both of us. Sa nakita namin na overwhel­ming support ng ArSue fans, syempre sobrang thankful ako and nakakagulat lang din talaga,” kwento ni Sue.

Masaya rin namang ibinahagi nina Ariel, Yves Flores, at Maris Racal ang kanilang pasasalamat dahil sa pagkakataong ibinigay sa kanila upang magampanan ang roles nila sa serye na nagbigay ng pagkakataong mas paigtingin ang kanilang karera.

Magtatapos ang Hanggang Saan sa April 27 sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Anna Luna palaban sa Philadelphia Independent Film Awards

Nominado si Anna Luna bilang Best Actress sa Philadelphia Independent Film Awards. Si Anna ay kasali sa 2018 Star Magic Circle, at malaking bagay raw sa kanya ang mapansin ang akting niya sa Maestra sa 2018 Philadelphia Independent Film Awards (PIFA).

Gumanap si Anna bilang si Iah Seraspi sa Lem Lorca independent film na ito.

“Na-shock siyempre. Tina-try talaga nilang iikot ang movie kung saan may mga festivals,” sabi ni Anna.

“Hindi ko naman siya iniisip na sobra pero si­yempre masaya po dahil napansin ulit ang mga Pinoy,” dugtong niya.

Ang Maestra ay unang ipinalabas sa 2017 Ci­nemalaya Film Festival. Unang napansin ang akting niya sa 2017 Five Continents International Film Festival in Venezuela, na kung saan ay wagi nga siyang Best Lead Actress.

Nanalo na rin si Anna noon bilang Best Supporting Actress sa 2015 ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA) in Malaysia para sa pelikulang Bendor.

Anyway, sa May 20 pa ang awards night ng PIFA na gaganapin sa US, at hindi pa raw siya sure kung makakadalo siya.

Siyanga pala, nominado rin ang Maestra sa Best Foreign Film category. Ang director nilang si Lem Lorca ay nominadong Best Director, at si Gloria Sevilla naman ay nominadong Best Supporting.

“Feeling ko ang makikita dito ay kung paano magpursige ang isang tao talaga na walang kahit anong balakid ang makakapigil sayo, dahil kung ano man ang gusto mong gawin sa buhay magagawa mo,” sabi ni Anna.

Makakalaban nga pala ni Anna sina Keniesha Robinson, Margherita Mannino and Catalina Lavalle for the Best Actress trophy in PIFA.