Una sa Balita

Sylvia diring-diri sa pakikipag-sex kay Joey Marquez

0 1,141

Nabulabog ang mga manonood sa kaliwa’t kanang intense na mga eksena ng “Pamilya Ko” dahil nabunyag na ngang si Loida (Irma Adlawan) ang kabit ni Fernan (Joey Marquez), kaya si Luz (Sylvia Sanchez) at lahat ng anak niya ay gigil na gigil sa kanilang ama at kabit niya.

Pero isa sa pinakatumatak sa mga manonood ay ang pagsugod ni Peachy (Maris Racal) sa opisina ni Loida sa gitna ng board meeting. Walang humpay niyang pinagsasabunutan at sinampal nang paulit-ulit si Loida!

“Hayop ka! Pupunta ka sa bahay namin. Magpapanggap kang mabait tapos aahasin mo lang pala tatay ko?” sabi ni Peachy habang hablot ang buhok ni Loida. Hindi pa tinigilan ng dalaga ang kabit ng tatay niya dahil hanggang sa labas ng opisina ay kinaladkad niya si Loida.

Muli na ring bumalik sa bahay si Luz matapos niyang lumayas, pero para lang sa mga anak niya at hindi para makipagbati kay Fernan. “Tuwing kailan mo ‘ko nagiging asawa? Sa tuwing umuuwi ka rito sa Pilipinas? Sa tuwing iniisip ko pa lang ‘yung ginagawa natin na ginagawa niyo rin, diring-diri ako,” sumbat ni Luz sa asawa niya. Ang intense ha!

Puring-puri rin ng netizens ang cast dahil makatotohanan daw ang mga naging eksena.

“Oh grabe ang iyak ko dito, anak ang naapektuhan sa problema ng mga magulang. Totoong nangyayari ito,” komento ni YouTube user Marlene Hipolito.

“Their scene while having dinner is like a deja vu of what happened to our fam last 2009. Mama left our home to heal herself from my father’s betrayal. Children are truly the ones who suffer the most with things like these. Good thing all is well now,” tweet naman ni @peeeeythup.

“Tibay din ng sikmura ni Loida talagang kating kati makuha si Fernan hindi ka nga mahal eh parausan ka lng tama nga si Luz doble dead kang karne sa palengke,” galit na galit na sabi ni YouTube user Clarenz Nitniab.

Dahil nga sa mga makapigil-hiningang tagpo, nagkamit ang serye ng national TV rating na 22.2%, ayon sa Kantar Media. Bongga ha? For sure mas tataas pa ‘yan dahil umpisa pa lang ito ng bangayan nila.

Exciting ha, this week na magaganap ang salpukan nina Luz at Loida at wish ng lahat na iganti ni Luz ang lahat ng legal wife sa mga kabit. Ibigay niya ang deserve ng malanding si Loida!

Julia sasabak sa matinding lampungan kay Tony

Magtatambal sa unang pagkakataon sina Julia Barretto at Tony Labrusca para sa eight-part suspense series na “I AM U” na ipapalabas sa streaming service na iWant.

Mula sa direksyon nina Dwein Baltazar, Jun Lana, at Perci Intalan, isang kakaibang istorya ang mapapanood ng iWant users lalo pa’t dalawang Julia ang tampok sa kaabang-abang na serye.

Sa “I AM U” story conference, ikinuwento ni Direk Dwein na dalawa ang magiging karakter ni Julia at isa raw doon ay may saltik. Magiging malaking hadlang ang karakter na ito sa relasyon nila ng high school sweetheart na gagampanan naman ni Tony.

Bukod sa unang team-up ito ng dalawang Kapamilya stars, magkakaroon din daw sila ng daring scenes, ayon kay Direk Dwein, na itinanghal na FAMAS 2019 Best Director.

Masasabing sanay na si Tony sa mga maiinit na eksenang ganito dahil sa hit sexy iWant series niyang “Glorious”, pero si Julia naman, baguhan pa lamang sa mga tagpong ito. Sa katunayan, ngayong taon lang nagkaroon ng unang on-screen kiss si Julia sa isang pelikula.

Nang tanungin si Julia kung ready na ba siya sa mga eksena nila ni Tony, ipinahayag niya na mas panatag ang loob niya sa bago niyang katambal.

“I’m sure that I’ll be guided, most importantly because I’m going to be with you,” anang dalaga kay Tony. “We’re actors. Whatever the script needs para gumanda ‘yung storya, we need to commit to it,” ipinahayag pa ng dalaga.

Matapang na humarap ang aktres sa storycon ng digital series sa kabila ng mga kontrobersiya sa personal niyang buhay. Tila walang pinagdadaanan ito at palaban ang aura at handang magtrabaho. Ramdam na ramdam ang kanyang katatagan at professionalism.

Kumusta kaya ang magiging chemistry nina Julia at Tony? Abangan natin iyan dahil magsisimula na ang shooting ng “I AM U” sa mga unang linggo ng Nobyembre.

Barbie Imperial binilhan ng bahay ang ina

Malayo na talaga ang narating ni Barbie Imperial simula nang maging lead star siya sa “Araw-Gabi”. Dahil sa sunod-sunod niyang serye tulad ng iWant original na “Taiwan That You Love”, nakabili na siya ng bahay sa Maynila.

Ayon kay Barbie, inuna talaga niyang magkaroon ng bahay para sa ina.

“Sa akin hindi ko siya kinokonsider na bahay ko talaga. Gusto ko may house na si mama. Para kay mama talaga iyon,” saad ng aktres sa interview sa kanya sa “Magandang Buhay”.

Dagdag ng Kapamilya actress, hindi niya in-expect na makakabili siya kaagad ng bahay. Bukod sa bahay na naipundar, kasosyo rin niya ang malayong pinsang si Marco Gumabao sa isang restaurant.

Napatigil na rin niya ang inang magtrabaho. Dahil ayon sa kanya, mas gusto niyang magpahinga ang ina at siya naman ang kakayod para sa kanilang pamilya.

Tuloy-tuloy pa rin naman ang blessings na dumarating kay Barbie dahil kasama din siya sa bagong iWant original kasama si Elisse Joson.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy