Una sa Balita

Sy, Tan positibo sa 54th BWC 2018

By
0 53

KAHIT hindi nakikitang matagal si national teammate at reigning women’s 2017 Hermosillo Bowling World Cup champion Krizzia Lyn Tabora na nagpapagaling ng anim na buwan sa nasuring sakit noong Hunyo, inspirasyon pa rin siya para sa 2 tenpin bowler ng bansa na magwawagayway ng watawat sa nabanggit na kompetisyon sa papasok na buwan sa Tate.

Pinahayag ito sa isang practice session nina Marie Alexis Sy at Merwin Matheiu Tan kaugnay ng kanilang paghahanda sa ika-54 na edisyon ng taunang Qubica AMF BWC 2018 na na papailanlang sa Nobyembre 4-11 sa Sam’s Town, Las Vegas City, Nevada.

“Resting siya kaya matagal na ‘di namin nakikita. Pero she is ins­piring to us to continue to win again para sa back-to-back,” bulalas ng 26-anyos, may taas na limang talampakan, limang pulgada, tubong Cebu City at tapos ng Business Administration-Science sa CEU-Manila na si Sy.