Una sa Balita

Sy, Antonio iba pa rambulan

0 405

ISA sa mga tigasing breeder na lalahok sa 2020 World Slasher Cup 1 ay si Joey Sy.

Ang 9-Cock Invitational Derby ay bilang pagbibigay pugay sa respetado at kilalang American breeder na si Ray Alexander.

Tiyak na mapapalaban si Sy sa ibang local entries tulad nina former WSC champion Nene Araneta, Rey Briones at Frank Berin.

Sa naganap na press conference kahapon sa Novotel, Araneta Center, nakitaan ng kumpiyansa si Sy nang pagharapin sila ni Michael Mashburn ng California sa isang photo op ng mga dumalong breeder sa event.

Posibleng makatapat ni Sy ang ibang champion na sina Patrick ‘Idol’ Antonio, Rey Cañedo at Jun Durano.

Inaasahang sasali at magbibigay pugay din ang mga beterano sa WSC na sina Escolin Brothers, Eddie Araneta, Dicky Lim, James Uy at Anthony Lim.
Si Alexander ang isa sa dahilan ng tagumpay ng WSC.

Dadalo sa mga laban ang anak ni Alexander na si Rayandra Seville, magsisimula ang pupugan bukas, Enero 20, sa Smart Araneta Coliseum. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More