Una sa Balita

SWS survey: Drug suspects pinapatay kahit sumuko na

By
0 6

Batay sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS), lumabas na 63% o tatlo sa limang Pilipino ang nagsabing may mga suspek sa bentahan ng iligal na droga ang sumuko na subalit pinatay pa.

Dalawampung porsiyento naman ng mga tinanong sa survey ang hindi naniniwala dito.

Isinagawa ang Second Quarter 2017 Survey ng SWS mula noong Hunyo 23 hanggang 26 sa 1,200 res­pondents sa buong bansa.

Kasabay din ito ng naunang survey na mayorya o 54% ng mga Pilipino ang hindi kumagat sa depensa ng mga pulis na nanlaban ang mga suspek sa iligal na droga kaya napapatay.

Malaking porsiyento ng mga tinanong at nagsabing napapaslang din ang mga sumusukong suspek ay mula sa Metro Manila na may 75%. Sinundan ito ng Mindanao at iba pang bahagi ng Luzon na may 63% at Visayas na may 53%.