Una sa Balita

SWS EJK survey pinalagan ni Albayalde

By
0 376

INALMAHAN ng Philippine National Police (PNP) ang huling survey ng Social Weather Station (SWS) na isinagawa noong Dis­yembre 16 hanggang 19 ng nakaraang taon na nagsasaad na walo sa 10 o 78 porsyento ng Pinoy ang natatakot na maging biktima ng extrajudicial killings (EJK’s) at karamihan sa mga ito ay mahihirap ang nagiging biktima.

Ayon kay PNP Chief General Oscar Albayalde, ang porsyento ay mas mataas ng limang porsyen­to kumpara noong 2017 survey.

Dagdag ni Albayalde mali umano ang tanong na ginamit sa survey ng SWS ukol sa pangamba ng mga Pinoy na naging biktima ng EJK dahil para umanong kinukondisyon ng survey ang isip ng mga pinoy na palaging may EJK.

Dahil dito, nakikiusap si Albayalde sa mga pribadong kompanya na naglalabas ng mga survey na maging responsible at huwag magpagamit sa politika.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy